Nang dahil napanood ko ang proklamasyon ng ating bagong Pangulong NoyNoy Aquino, nais kong sumulat sa ating sariling wikang Pilipino. Nais ko ring ipagmalaki na siya ang binoto ko noong nakaraan eleksyon.
Naalala ko pa noong ako ay nasa elementarya pa lamang, mas mataas ang grado ko sa Ingles kesa sa Pilipino. Kaya't unawain nyo sana kung may mga pagkakamali ako sa gramatikong Pilipino. Nais ko sanang ungkatin sa aking memorya ang mga natutunan ko noong mga panahong iyong di ako nakikinig sa aking guro. Datapwat, (ano ba meaning nun?) lilihis ako ng topiko dahil nais kong ipagsigawan na Pinoy ako, at marunong ako mag-Ingles. Nagpapasalamat ako sa ating mga ninuno at tunuruan tayo ng Ingles na lingwahe, at ito ay isinali sa dapat pag-aralan ng isang mag-aaral simula unang baitang.
Nasasabi ko ito ngayon dahil ako ay nasa banyagang lupain kung saan hindi Ingles ang pangunahin lingwahe. Inlges ang pangkahalatang lingwahe ng buong mundo, at nakakapag-usap tayo sa kahit sinong banyaga kung marunong din sya ng Ingles. Kayhirap makipag-usap sa mga banyagang di marunong ng Ingles. Senyas na lang. At halos di pa magkaintindihan. Dito tayo panalo, dahil marunong tayo kahit simpleng Inlges, at kahit nga mga Pinoy na di nakatapak ng unang baitang ay marunong ng simpleng Ingles. Mabuhay tayong mga Pinoy!
No comments:
Post a Comment